Buhay BSA

Ang sarap din naman maging accountancy student, kahit mahirap. Sobrang hirap, wala ng mas hihirap pa. Wala pakiramdam ko ang sarap sarap maging accountancy student. Kasi lalo na pag natapos mo ang 5-yr course na to nag derederetso, yung di ka bumagsak. As in gumraduate ka on time at hindi in time. Parang ang sarap sa pakiramdam, pero don di pa tapos ang paglalakbay mo, may review pa kahit may review ka na sa 5th year. Tapos board exam, tas makakapasa ka. Malalagyan na ng ,CPA ang pangalan mo na ang tagal tagal mong pinangarap at alam mong pinaghirapan mo.

Ang sarap lang sa pakiramdam at nakakaproud. Lalo kapag tatanungin ka kung anong course mo, tapos mapapa wow sila. Kasi kahit sila alam nilang patayan ang course mo. Tapos ang sarap sa pakiramdam pa na sa hirap ng exam mo, sa dami ng problems, at walang tulugan na gabi, makakapasa ka. Ang sarap sa pakiramdam, pero kapag bumagsak ka, di mo maiiwasang di umiyak, nakaka disappoint. Naranasan ko na din bumagsak kahit nagaral naman ako. Sobrang nakaka down, masasabi mo na lang makapag shift na kaya tapos sasabihin mo pa, di ko na kaya to pero andyan padin yung friends mo na sasabihin Kaya natin to! Kakayanin natin, laging ganyan, samin laging tulong tulong.

Natutuwa ako, kasi nasa kalagitnaan na ko ng BSA. Ang bilis ng panahon. Kahit 1st yr pa lang iniiyakan ko na yang accounting na yan, madami pang dadaan, madami pang subjects, madami pang walang tulugan na gabi. Pero kailangan ko ng sipag at tyaga para makatapos ako. 

Magpapasukan na, at kakayanin to! Hwaiting kahit medyo kabado na talaga ako.

  1. aylabyutothemoonandback reblogged this from dearnangiwan
  2. paksyit reblogged this from dearnangiwan
  3. dearnangiwan posted this